Dagupan City – Senyales lamang ng pagkasira ng demokrasya at paglago ng ekonomiya sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa pahayag ng kongresista na mas bukas sa pagbabago sa political system ng bansa kaysa isulong ang anti-political dynasty law.
Aniya, malaking katanungan kung ano ang nais ipunto ng kongresista at kung ano ang motibo sa pahayag na ito dahil malinaw lamang na hindi ito ang tamang sagot sa katanungan na ipapasa ang anti dynasty law sa bansa.
Matatandaan naman na noong taong 2015 nang isinulong ni dating Senator Miriam Defensor Santiago ang konstitusyon ng Article 2, Section 26 kung saan ay may layuning magkaroon ng pantay na halaga sa public service ang publiko at ipinagbabawal ang political dynasty sa batas.
Sa nangyayari kasi ngayon aniya ay nawawalan na ng pag-asa ang ibang indibidwal na may malinis na hangaring makapaglingkod sa bayan dahil sa hindi sila kabilang sa mga kadalasang nananalo na may pangalan na sa politika.
Kung kaya’t maitututring din aniya na maganda ang naging aksyon kamakailan sa Sangguniang Kabataan Election kung saan ay naging bukas ito sa lahat, dahil muling nabigyan ng pag-asa ang ibang kabataan na magkaroon ng kani-kanilang mga boses at pagkakataon na magsilbi sa publiko.
Samantala, nauna nang binigyang diin ni Yusingco na magkahiwalay o independent ang judiciary at legislator. Dahil ang judiciary ay hindi kailanman maglalakas ng loob na magsabi kung anong dapat gawin ng kongreso.
Nilinaw naman nito na sa kasalukuyan ay wala pang angkop na depinisyon ang Political dynasty, ngunit nauugnay ito sa tinatawag na fat dynasty na nangangahulugang nasa higit 2 miyembro ng pamilya ang nakaupo sa gobyerno.
Panawagan na lamang ni Yusingco sa publiko, sana magkaroon na ng totoong miyembro ang mga mambabatas at pamahalaan na may puso sa komunidad at layuning makapagsilbi sa bayan.