DAGUPAN CITY- Hindi nagtatrabaho ang mga manggagawa upang lalo pang payamanin ang mga kapitalista sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josua Mata, Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa(SENTRO), binigyan diin niya na ang pagsasabahala ng gobyerno sa mga kapitalista sa paggawa ng trabaho ang nagiging sanhi ng mababang employment rate sa bansa.
Kaya hindi niya sinang-ayunan ang pagtutol ng mga employer sa taas-pasahod at makontento na lamang umano ang mga manggagawa sa kanilang natatanggap.
Base umano sa mga pag-aaral, maaaring tumaas ang pagkunsomo ng mga tao ngunit tataas naman ang ekonomiya ng isang bansa.
Samantala, dapat aniyang gobyerno ang may kapasidad na gumawa ng trabaho sa bansa dahil nakadepende lamang ang mga negosyante sa kanilang kinita.
Maaaring gamitin ng gobhyerno ang Public Employment Program para magawa ng direktang trabho.
Sa pamamagitan naman ng Industrial Policy, mabibigyan ng linaw ang gobyerno sa pangangailan ng mga lilikhaing trabaho na makakapagbigay ng disente, regular, at maayos na sahod.
Dagdag pa niya magandang hakbang ang Trabaho Para sa Bayan Law para sa ikabubuti ng bayan.
Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga manggagawa, employers, at iba’t ibang sektor na gumawa ng isang konseho upang makabuo ng konkretong plano para masiguro ang trabaho sa bayan.