Dagupan City – Umabot na sa higit 130 bilang ang nasa kamay ng mga Hamas habang 31 naman rito ang kumpirmadong nasawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel, sinabi nito na patuloy pa rin ang ginagawang paghihigpit ng mga Israeli sa grupong Hamas.

Aniya, maaring dahilan din ang mga bihag, kung bakit kahit anong gawin o hiling ng mga Palestinian at mga Hamas na magkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang panig ay ayaw itong aprubahan ng mga Israeli Military.

--Ads--

Dagdag pa nito, mariin ding tinanggihan ang hinihingi ng Palestininan na pagpasok ng nasa 400 hanggang 500 truck ng humanitarian aid para sa kanilang nasasakupan.

Nauna naman nang binigyang linaw ni Kabayan na bagama’t nagpapatuloy pa rin ang giyera sa pagitan ng dalawang panig ay unti-unti naman anng bumabalik ang normal at dating pamumuhay sa Israel.