BOMBO DAGUPAN — “Ito na ang pinakamalakas na blizzard na naitala ng California at Nevada ngayong season.”

Ito ang ibinahagi ni Rufino “Pinoy” Gonzales, Bombo International News Correspondent sa basang Estados Unidos, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa nasabing usapin.

Aniya na umabot na sa 190km/hr ang nararanasang lakas ng hangin na may dalang mabigat na pagbagsak ng nyebe na umaabot hanggang sa 10 talampakan ang taas.

--Ads--

Maliban dito ay nag-shut down na rin ang Inter-State AT kung saan dumadaan ang malalaking mga sasakyan na nagkokonekta sa estado ng California at Nevada, kung saan ay nagtaas na rin ng mga babala ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga residente na huwag munang lumabas ng kani-kanilang mga tahanan.

Saad ni Gonzales na nagbabala na rin ng posibilidad ng avalanche mula sa mga matataas na lugar at mga bundok habang nagsara na rin ang iba’t ibang mga parke at mga resort.

Umabot na rin sa mahigit 30,000 ang mga indibidwal na nakakaranas ngayon ng kawalan ng suplay ng kuryente, subalit ang kagandahan naman aniya ay mayroon silang kanya-kanyang mga fireplace bilang panlaban naman nila sa sobrang lamig.

Dagdag pa nito na bagamat sanay na rin ang mga Pilipinong naninirahan sa California at Nevada sa mga ganitong pangyayari ay delikado pa rin naman ang sitwayson sapagkat pinangangambahang mas lalakas pa ang nasabing blizzard na sinabi naman nitong pinakamalakas ngayong season.

TINIG NI RUFINO PINOY GONZALES, BOMBO INTERNATIONAL NEWS CORRESPONDENT, USA