Dagupan City – Inaasahang bababa ang importasyon ng bigas sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.

Ayon kay So, panahon na rin kasi aniya ng anihan at dagdag pa ang pagbagsak ng $100 kada metrikong tonelada kung kaya’t inaasahan na bababa rin ang presyo nito sa merkado.

--Ads--

Malaking tulong din aniya ang nangyaring pagbagsak ng presyo sa importasyon, dahil ang dating $615 ay magiging $515 na lamang, ang mababawas naman dito ay nakatakdang mapunta sa Tariff Collection sa ilalim ng rice tariffication law na siyang ibibigay naman sa mga lokal na magsasaka sa bansa.


Matatandaan na hindi umalis ang bansang Pilipinas sa una o pangalawang may pinakamataas na iniimport na bigas sa buong mundo sa loob ng 4 na taon.


Samantala, sa kasalukuyan ay inaalam pa rin kung saan nangaggaling ang napapaulat na bentahan ng sibuyas online dahil baka konektado ito sa mga napapaulat na smuggling sa Mindanao.


Mensahe naman nito sa mga magsasaka, patuloy ang pagbibigay ng pamahalaan partikular na ang Department of Agriculture ng subsidiya at tulong pinansyal sa mga ito.