BOMBO RADYO DAGUPAN – Pilitan Initiative hindi people’s initiative.

Isa ito sa ipinaglalaban ng True Colors Coalition kasama ang iba’t ibang samahan, religious groups, at opisina ni Sen. Risa Hontiveros sa kanilang kilos protesta laban sa pagbabago ng 1987 Constitution.

Ayon kay Jhay De Jesus, spokesperson ng True Colors Coalition, nilinlang ng gobyerno ang mga Pilipino upang makakuha ng pirma para sa Charter Change.

--Ads--

Malinaw para sa kanilang hanay na nais masigurado ng mga pulitiko ang kanikang interes na mawalan sila ng pananagutan sa kanilang kasalaanan sa bayan.

Ibinahagi din nila sa protesta na ang hindi pagsunod sa batas ang nagiging ugat ng paghihirap ng bayan. Katulad na lamang ng batas na nagtitiyak na Pilipino ang buong pag mamay ari ng negosyo sa bansa ngunit nais itong ibukas ng gobyerno sa mga dayuhan upang kanilang pagkakitaan ito.

Para naman sa True Colors Coalition, gusto nilang ipamungkahi sa mga mambabatas na karapatan ng LGBTQ++ Community na mabigyan sila ng pantay na proteksyon laban sa diskriminasyon.

At pagpapatibay naman sa hustisya ang panawagan ng I-defend.

Sinabi pa ni De Jesus, babantayan nila ang susunod na 6 na buwan dahil sa papalapit na mid term election at titiyakin nilang susubaybayan muli ang mga pangako ng mga mangangampanya dahil tiyak ay hindi na naman ito maisasakatuparan.

Dagdag pa niya, nagsisimula pa lamang sila at ipagpapatuloy pa nila ang kanilang laban upang harangin ang Charter Change, partikular na ang People’s Initiative.