Dagupan City – Maituturing na drama lamang.

Ganito isinalarawan ni Atty Michael Henry Yusingco, Political Analyst ang naging pahayag na inilabas kamakailan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Aniya, kinakailangan nang humarap ni Quiboloy sa senado upang umapela sa kaniyang kaso dahil may subpoena na ito sa Federal Bureau of Investigation na may kaugnayan sex trafficking, rape at iba pa.

--Ads--

Kapag hindi kasi hindi humarap ito, ay dadamputin na lamang si Quiboloy ng mga awtoridad upang dalhin sa commitee hearing.

Nauna nang sinabi ni Yusingco na may punto ito sa pagsasalarawan sa ginagawa sa kaniya ng senado na prosecution dahil kung idadaan talaga sa legal o tamang proseso ang paglilitis ay dapat hanay ng kapulisan at Department of Justice ang kaniyang makakaharap ngunit ang nangyayari ang ginagawa ito sa senado.

Dagdag pa ni Yusingco na baka wala ng kadikit si Quiboloy sa pamahalaan kung kaya’t kailangan na nitong harapin ang paglilitis, hindi gaya noong nakaraang administrasyon na nakatakas ito sa batas ng bansa.