BOMBO RADYO DAGUPAN – 3 linggong bakasyon ang mawawala sa mga estudyante sa muling pagbabalik sa dating school calendar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lito Senieto, Executive Vice President, National Parent Teachers Association Philippines, suportado nila umano ang inilabas na Department Order No. 3 series of 2024 kung saan ibabalik ang simula ng panibagong School Year sa Hunyo hanggang Setyepmbre dahil sa mas magandang panahon nito.
Aniya, nagkaroon naman ng tamang konsultasyon ang nasabing memorandum bago ito inilabas sapagkat nagsagawa muna ng survey ang bawat school heads.
Karamihan ay sumang ayon din sa pagbabalik ng dating school calendar.
Ngunit, inaalala lamang aniya ng kanilang samahan ang maaaring learning gaps dahil napaikli ang pasukan ngayon taon at mapapaaga naman ang panibagong school year.
Nais nilang matapos lahat ng mga aralin at activities ng mga estudyante bago ang pagtatapos ng kasalukuyang school year upang maiwasan ang nasabing learning gap.
Ito din aniya ang kanilang pag uusapan sa darating na linggo para sa isasagawang virtual meeting ng kanilang samahan.
Samantala, hindi naman ito ikinabigla ni Eduardo Castillo, Principa IV ng Mangaldan National High School, sapagkat pinag uusapan na ito aniya noong nakaraang taon pa.
Naniniwala din aniya siyang pangunahing prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon ang kalusugan ng mga estudyante para sa mas maganda at positibong learning environment ng mga ito.
Ngunit dahil mas mapapaikli ang kasalukuyang school year, pipilitin aniya nilang matapos ang mga dapat mapag aralan ng mga estudyante upang hindi mabalewala ang learning competencies ng mga mag aaral.