Iginiit ng IBON Foundation na nagbibigay katwiran lamang ang ilang mga negosyante na nagsasabing hanggang sa partikular na halaga ng umento sa sahod lamang ang kanilang kayang ibigay at kung tataasan pa nila ay tataas din ang mga bilihin.

Ayon kay Sonny Africa, ang Executive Director ng nasabing samahan, katwiran lamang aniya nila ito upang hindi mapagbigyan ang mga manggagawa na mapataas ang kanilang sahod.

Aniya, ang P100 across the board na dagdag sahod ay nangangahulugan lamang ng 7.1% na bawas sa tubo.

--Ads--

Para sa kanilang hanay, hindi kinakailangang magtaas ng presyo ng bilihin kung ang gagawin ng mga negosyante ay bawasan ng konti ang kanilang mga produkto.

Pagdating sa usaping ito, ang mga negosyante ay gagawa ng paraan upang hindi maapektuhan ang kanilang tubo ngunit para sa mga manggagawa, napakalaking bagay nito dahil makikinabang maging ang kanilang pamilya at komunidad.


Mas malaki aniya ang multiplier effect ng dagdag sahod kaysa sa dagdag tubo.

Samantala, komento naman nito sa mungkahing bigas na lamang ang ibigay sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa halip na pera, ay isang palusot lamang.

Ang perang natatanggap ng mga benepisyaryo ay ginagamit din nila para sa iba pang pagkain.

Kung ang dahilan aniya ng mungkahing ito ay ang matulungan ang mga magsasaka, ang pera aniyang ito ay mapupunta rin sa mga magsasaka.