Dagupan City – Simbolo ng totoong bayanihan, magandang kalooban, at pananampalataya ang EDSA People Power Revolution.
Ito ang binigyang diin ng Historian na si Xiao Chua.

Aniya, bukod sa layunin nitong bigyang pagkilala sina Jaime Cardinal Sin, Cory Aquino, at Fidel V. Ramos ay magandang balik-tanawin din ang mga naging sakripisyo ng mga Pilipino sa panahon na iyon dahil sa handa silang ibuwis ang kanilang mga buhay upang makamit ang kalayaan ng bansa at ng kinabukasan nito.

Doon din makikita kung gaano kadedikado ang mga Pinoy na mapatalsik ang pagmamalabis ng ‘Diktadurang Marcos’ sa kaniyang kapangyarihan.

--Ads--

Nauna na rito, sinabi ni Chua na bago tignan ang 4 na araw na naging culmination ay mahalaga kung baliktanawin muna ang sinapit ng mga mga Pilipino sa loob ng 14-taon upang malaman ng publiko kung bakit gano’n na lamang ang sigaw ng mga ito ng isang tunay na kayalaan.
Samantala, ayon pa rito, hindi dahilan ang pagtapat sa linggo para hindi bigyang pagkilala ang EDSA People Power Revolution.

Samantala, ibinahagi naman nito na ang kasalukuyang administrasyon na siyang anak ng ‘Diktadurang Marcos’ ay maituturing na may kahalintulad ng ginagawang aksyon sa nakaraan gaya na lamang ng pagsusulong people’s initiative na may layuning mapahaba pa ang termino nito sa pamahalaan.

Dahil kung matatandaan aniya, noong taong 1973 ay ginawa ito ng Administrasyong Marcos para tumagal ito sa kapangyarihan.
Nilinaw naman ni Chua na hindi konstitusyon ng saligang batas ang problema ng bansa sa hindi nito pag-unlad kundi ang massive systemic corrptuion ng mga namamahala.