BOMBO RADYO DAGUPAN – “Unfair.”


Ito ang naging reaksyon ni Genevive Dignadice, Bombo International News Correspondent sa Russia, sa pagsisi kay Russian President Vladimir Putin sa pagkasawi ni Alexei Navalny.


Aniya, hindi na bago na isisi kay Putin ang mga insidente mula sa mga kumakalaban sa gobyerno ngunit kung tutuusin na lamang ay naging maluwag pa nga gobyerno ng Russia para kay Navalny.

--Ads--


Nagkaroon pa aniya ito ng kalayaan bago it tuluyang makulong dahil sa mga lagi nitong paglabag sa batas.


Sinabi din ni Dignadice, maganda din naman talaga ang hangarin ni Navalny sapagkat hangad nito ang mapuksa ang kurapsyon. Idinidiin niya lamang sa pagkakataon ito na ang kurap sa bansang Russia ay ang mismong presidente at hindi na nagmumula sa kaalyado nito.


Ngunit aniya, baka ito ay gawain lamang ng Europa na itinutulak itong kalabanin ang presidente.


Samantala, patuloy pa rin ang pag iimbesitga sa tunay na ikinasawi nito.


Ayon sa unang tinutukoy ay ang blood clot umano sa hindi pa malamang parte kaya ito biglang natumba habang nag eehersisyo. Sinubukan man siyang buhayin pa ngunit bigo na sila na magawa ito.


Dagdag pa niya, panigurado ay nasabihan na si President Putin sa pangyayari ngunit wala pa itong public statement patungkol sa pagkamatay ng opposition leader.