Dagupan City – Arestado ang 2 lalaki sa bayan ng Bolinao, Pangasinan matapos mahulian ng 210 grams na shabu na nagkakahalaga ng higit P1Milyon.
Ayon kay PLT. COL. Radino Belly, Chief of Police ng Bolinao Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong umanong drug pot session na nangyayari sa isang boarding house na pag-aari ni Jeey Honrada Lozano sa Brgy. Luciente 1st sa naturang bayan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng kapulisan sa nasabing lugar at doon na tumambad ang 2 suspek na sina Reymond Sevilla, 42-anyos, isang mekaniko, at Daniel Corbillon, 49 -anyos, construction worker at kasalukuyang naninirahan sa parehong lugar.
Dito na nakumpiska 7 pirasong plastic sachet ng shabu na may tinatayang timbang na 210 grams na nagkakahalaga ng higit P1Milyon, at ang perang nasa higit P26,000.
Agad namang inaresto ang mga ito at sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na rin ng kapulisan at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o mas kilala rin sa tawag na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at sumailalim na rin ang mga ito sa medical examination sa Bolinao Community Hospital para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.