Tinututukan ngayon ng Land Transportation Office Region 1 ang paglulunsad ng Oplan Balik Rehistro kaugnay sa kanilang ginagawang Nationwide “No Registration, No Travel” policy upang mahikayat pa ang mga motorista na magparehistro.
Ayon kay Romel Dawaton, ang Chief ng LTO Dagupan City District, ito ay alinsunod sa kanilang sinusunod na mandato sa Republic Act no. 4136 sa ilalim ng Section 5 o mas kilala bilang Compulsary Registration of Motorvehicles.
Dagdag nito na maaari na umanong gawing dalawang buwan ang pagpaparehistro bago ito mag-expire ngunit kung paso na umano ang rehistro ay nagbibigay sila ng courtesy o authorization letter sa mga motor vehicle owners na makukuha sa kanilang opisina.
Upang magamit aniya nila ang kanilang sasakyan, kinakailangang magparehistro sa Private Emission Center, Private Motor Vehicle Inspection Centers o (PMVIC) o sa LTO motorvehicle inspection area upang makaiwas sa mga law enforcement officers na manghuhuli sa kakalsadahan upang hindi sila masita bilang unregistered motorvehicles.
Ngunit, isang araw lamang aniya ang validity nito.
Dagdag nito na kung nais makakuha sa kanilang tanggapan ng authorization letter, ipakita lamang ang kanilang orihinal na kopya ng official receipt na paso na upang mabigyan sila at maipakita sa mga law enforcemen officer.