Dagupan City – Magandang panimula.
Ito ang binigyang diin ni Jonathan De Santos, Chairman ng National of Union Journalists of the Philippines kaugnay sa isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada na i-decriminalize ang kasong libel at sa halip ay multa na lamang ang ipapataw sa mga makakasuhan nito.
Aniya, ito ang matagal nang inaantay hindi lamang ng mga mamamahayag kundi gano’n na rin sa publiko na makikinabang sa nasabing panukala.
Bagama’t magkakaroon pa rin ng record sa National Bureau of Investigation, maituturing pa rin na isang magandang balita ito dahil sa matagal na rin itong isinusulong sa kamara.
Kaugnay nito, sinabi ni De Santos na magandang mas mapalawak pa ng pamahalaan ang ideya ng freedom of expression dahil sa katunayan aniya ay nahuhuli na rin ang bansa sa pagsulong ng batas ayon sa United Nations.
Samantala, kaugnay naman sa napapaulat na hindi na ligtas ang mga mamamahayag sa bansang Pilipinas, maituturing aniyang totoo ito, dahil hanggang sa kasalukuyan ay may mga napapaulat pa ring nakakatanggap ng death threats.