Dagupan City – Binigyang linaw ng Federation of Free Workers ang karapatan ng mga mangggagawa kaugnay sa inilabas ng Department of Labor and Employment na Contractual rank-and-file sa manggagawa kung saan ay makakatanggap na rin ang mga ito ng pantay na bilang sa serbisyo na kinokolekta ng mga kompaniya.

Ayon kay Sonny Matula, Presidente ng naturang samahan, ito ay kaugnay sa isinagawang pagpirma ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma noong unang araw ng pebrero, kung saan ay ang mga service charges na kinukuha ng mga restaurants, hotel, clubs, sports center at iba pang estabilishemento ay dapat na ibigay ang 100% sa kanilang mangaggawa.

Ang naturang panukala ay naglalayong maibigay ang karapatan ng mga ito kung saan ay makakakuha sila ng pantay na karapatan at share mula sa kanilang pinagta-trabahuan.

--Ads--

Kabilang na rito ang mga casual workers, job orders, at regular man o hindi. Sa bisa ng
Republic Act No. 360, na siyang kinuha rin sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinirmahan nito noong 2019, ay pinagtibay at mas pinalawak lamang ang sakop at karapatan ng mga mangaggawa sa kasalukuyan.