BOMBO RADYO DAGUPAN – Matagal nang ipinatupad ang pagbabawal ng mga tricycle, motor, e-bike, at mga padyak sa National High Way sa ilalim ng Republic Act NO.4136.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ramon Ramos, presidente ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), nagkakaroon lamang ng liniency o awa sa mga ito kaya pinapayagan umano ang mga nasabing transportasyon na dumaan sa road shoulder o gilid ng daanan para lamang makapagpasada.
Ngunit, aniya, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa batas trapiko, karamihan sa mga ito ay nagdudulot ng disgrasya lalo na ang mga e-bike at pribadong tricycle.
Hindi naman aniya kase inirerehistro ang e-bike at palaging gitna ng daan ang kanilang tinatahak. Gayundin sa mga pribadong trycicle.
Kaya naman bilang tugon ng TODA-Urdaneta, nakikipag ugnayan na sila sa mga iba’t ibang ahensya upang bigyan ng kaalaman at disiplina ang mga namamasadang tricycle. Kabilang na dito ang seminar na inorganisa ng High Way Patrol upang ipaliwanag ang tamang paggamit ng batas trapiko.
Samanatala, malaki ang pasasalamat ni Ramos sa mayor ng kanilang bayan na si Julio “Rammy” Parayno III dahil sa P50 na mayors permit.
Gayunpaman, nahihirapan pa din ang mga namamasada dahil sa serye ng oil price hike sa bansa.
Ito aniya ang rason kung bakit nakatuon na lang sa pagsasaka ang nilang kapwa namamasada.
Dagdag paalala naman ni Ramos na patuloy mag iingat sa kalsada habang nagmamaneho. Aniya, iwasan din ang pag overpice ng pamasahe.