Dagupan City – Layuning higitan ng lokal na pamahalaan ng Binmaley, Pangasinan na higitan ang tagumpay ng taong 2023 sa pamamagitan ng paglulunsad ng baywalk at iba pang proyekto.

Ayon kay Binmaley Mayor Pedro “Pete” Merrera III, inaasahan ng kanilang lokal na pamahalaan na ang kanilang ilulunsad na baywalk sa kanilang nasasakupan ay siyang daan upang magdala ng investors sa kanilang bayan.

Dagdag pa rito, ibinahagi rin ni Merrera ang iba pang proyketo gaya na lamang ng pagpapatayo ng 4 na silid-aralan sa Barangay Papageyan na sinuportahan ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., pagbibigay ng scholarship grants sa mga mag-aaral, pagbibigay ng prayoridad sa mga Senior Citizens, pag-prprovide ng lifter sa kanilang bayan, ambulansiya, at maging ang bagong firetrucks. Ang mga nabanggit na proyekto ay bilang tugon sa sinabi ni Merrera na ‘bayan muna, bago ang sarili’.

--Ads--

Samantala, ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa kanilang lokal na pamahalaan at sa mga residente na patuloy na sumusuporta sa pag-unlad ng kanilang bayan.