Dagupan City – Tutukan at bigyang halaga ang mga mangagawang Pilipino.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, kaugnay sa pagpili ng mga ito na magtungo na lamang sa abroad.

Aniya, marami kasing prudokto ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pinipili na lamang makipag-sapalaran sa ibang bansa dala na rin ng mas malaking pasahod kung ikukumpara sa bansang Pilipinas.

Dagdag pa rito, mas binibigyang halaga rin sa abroad ang mga mangagawang nasa Blue-collar jobs o ang mga mangagawang nasa kategorya ng manual labor.

--Ads--

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Matula na kasalungat ang pagtingin na ito sa bansang Pilipinas kung saan ay mas mataas ang sahod ng mga nasa White Collar Jobs o mga mangagawang nasa loob ng office.

Ibinahagi rin ni Matula na sa ibang bansa ang mga nasa Blue-collar jobs sa Malaysia at Indonesia ay pumapatak sa P800 hanggang P900 ang kanilang sahod samantala sa bansang Pilipinas ay nasa P300 hanggang P610 lamang.