Dagupan City – Binigyang paliwanag ng isang Political Analyst ang mga dahilan sa likod ng pagtutol ng pangulo sa pagpasok ng International Criminal Court sa bansa.

Ayon kay Atty. Francis Abril, dalawang punto ang nakikita nitong mga dahilan; una na rito ay ang sinsiredad ni President Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapanatili ng pagkakaibigan nila ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na matatandaang isa rin sa tumulong sa eleksyon ni Marcos at sa ilalim na rin ng administrasyon ni Duterte naipalibing ang ama ng pangulo.

Pangalawa naman ay kung ano nga ba ang concrete plan ng pamahalaan, kung hinarang nga ba ang International Criminal Court sa airport.
Kamakailan lang din kasi ay nag-courtesy call ang ICC sa Department of Justice, kung kaya’t sinabi ni Abril na maaring press release lamang ito ng pangulo para sa pag-preserba na hindi tatalima ang bansa sa ICC officials.

--Ads--

Kaugnay nito, binigyang diin din ng abogado ang ipinahayag ni Senator Bato Dela Rosa na ayaw nitong makulong at sinabing magsalita na ang mga may alam sa likod ng isinisiwalat na mga statements.

Samantala, ayon kay Abril, isa rin ang bansa sa mga unang sumapi sa United Nations na mangangalaga ng Human Rights, ngunit lumalabas na sumisikat ang bansa dahil sa mga bilang ng mga nasasawing idnibidwal sa ilalim ng administrasyon ni Duterte na war on drugs.