BOMBO RADYO DAGUPAN –Ayusin muna ang Public Utility Vehicle Modernization Program bago ito tuluyang iimplementa.

Ito ang paninidigan ni Ariel Lim, ng National Public Transport Coalition, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan patungkol sa isinagawang hearing upang ipag alam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpalawig pa ang consolidation.


Ayon kay Lim, matapos ang nasabing hearing nagpatawag naman ng maliit na press conference ang speaker of the house upang ipag alam na ilalakad ang nasabing agenda at kakausapin ang pangulo.

--Ads--


Ngunit aniya, wala pang 30 minuto ay ipinahayag ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na tinugunan na ito agad ng pangulo kung saan ay umayon itong palawigin pa sa susunod na 3 buwan.


Naging optimistiko naman si Lim na pagbibigyan ito ng Pangulo, dahil na din aniya’y idinaan ito sa prosesong tama.


Ngunit nakita ng maraming kongresista na nananatili pa rin ang problema matapos ang unang moto-poprio inquiry sa lehislatura ng naturang programa.


Sa tingin nito ay marami nang maaaring mangyari sa loob ng 3 buwan kung matapos ang committee report ng House of the representative ngunit hindi ito sasapat sapagkat patong-patong ang problema sa programa.