Inaasahan na umano na magtatampo ang China sa naging pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagkapanalo sa pagkapangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te.

Ito ay kaugnay ng pagturing ng China na ito ay isang seryosong paglabag sa One China Principle at sa political commitments ng Pilipinas sa kanila kung saan ay pinatawag pa ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang ambassador nito sa China upang hingan ng maayos na paliwanag.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Abril, makikita naman sa konteksto ng naging mensahe ni Pangulong Marcos na simpleng pagbati lamang naman bilang kapwa lider ng isang independent country ang kaniyang intensyon.

--Ads--

Aniya, marahil ay naging sensitibo lamang ang China dahil sa pagpilit nito na kaniya ang Taiwan.

Mungkahi naman ni Abril na sana ay maunawaan ito ng China na hindi naman nagpapahatid ng isang sarkastikong mensahe ang pangulo.