Inaasahan pang tatagal hanggang sa buwan ng Marso ang nararanasang malamig na panahon sa Luzon dulot ng Hanging Amihan.
Ito ang inihayag ni Engr. Jose Estrada, Jr., ang Chief Meteorological Officer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration Dagupan City.
Aniya, kanilang naitala ang pinakamababang temperatura noong Enero 15 kung saan bumaba hanggang 21 degree celsius partikular dito sa syudad ng Dagupan.
Nakakaranas ang lugar ng malamig na panahon mula gabi hanggang alas-9 ng umaga at bahagya aniyang tataas ang temperatura pagsapit ng alas-10 hanggang alas-12 ng tanghali kung saan nakakaranas ng maalinsangang panahon.
Samantala, base naman aniya sa kanilang forecast outlook, nasa kategoryang below normal ang lalawigan kung ikukumpara noong nakaraang taon na above normal.
Gayunpaman, sa kabila ng malamig na panahon, kasalukuyang nakakaranas ng drought ang lalawigan bunsod na rin ng epekto ng El NiƱo na magtatagal sa unang quarter ng taon.
Pagdating naman aniya ng 2nd quarter ng taon, magiging neutral na lamang ang kundisyon ng lalawigan.
Samantala, posible umanong walang aasahang bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang matapos ang buwan ng Enero.