Nilinaw ng Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o mas kilala bilang MANIBELA na ang kanilang isasagawa bukas ay kilos protesta lamang at hindi transport strike.
Ayon sa Chairman nito na si Mar Valbuena, magsisimula ang protesta sa UP Diliman bandang alas-10 ng umaga at magkakaroon ng caravan papuntang Welcome Rotonda, pagkatapos ay magmamartsa papuntang Mendiola, Maynila.
Inaasahang triple ang bilang ng mga makikiisa sa kanilang protesta kung saan kasama ang mga estudyanteng maaapektuhan at iba pang sektor na kaisa sa kanilang ipinaglalaban.
Katuwang din ng MANIBELA ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).
Ang mga sasakyan naman na kanilang gagamitin ay ang pagsasakyan lamang ng mga tao habang iiwanan muna nila pansamantala ang kanilang mga jeepney.
Pagkukwestyon ni Valbuena na kung bakit aniya sila pinipilit ng gobyerno na magpa-consolidate.
Isa rin aniya sa kanilang hinihintay ay ang paglalabas ng Traffic Regulation Order (TRO).