Dagupan City – Iginiit ng konsehal sa bayan ng Managldan na kinakailangan pa ng augmentation sa kanilang nasasakupan matapos ang naitalang magkakasunod na insidente sa kanilang bayan.
Ayon kay Mangaldan Councilor Aldrin Soriano, maituturing na ‘generally peaceful’ pa rin ang kanilang bayan dahil sa kung mapapansin aniya, ang mga naitatalang insidente ay karaniwang may personal na motibo.
Binigyang diin naman ni Soriano na hindi na kinakailangan pa ng curfew sa kanila dahil sa karamihan sa mga kabuhayan rito ay 24/7 na nakabukas.
Kaugnay nito, patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang kanilang lokal na pamahalaan sa hanay ng kapulisan para sa tuloy-tuloy na isinasagawang monitoring at pagpupulong nang sa gayon ay bigyang kompyansa ang kanilang nasasakupan na ligtas at nasa maayos pa rin na kalagayan ang kanilang bayan.
Samantala, kahapon ay naaresto na rin ang suspek sa barangay Guesang, na pumatay sa 52-anyos na ginang kung saan ay napag-alaman na kalived-in partner ng biktima.