Dagupan City – Nasawi ang 5 kataong lulan ng coast guard plane sa Japan habang patuloy naman sinusuri ang kalagayan ng piloto nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, magdadala sana ang coast guard plane ng suplay dahil sa nangyaring natural calamity na lindol ngunit biglang nag-collide ito sa airbus 350, isang malaking japan airlines na lumapag sa Haneda airport na may lulan naman na 367 na pasahero.
Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na nasa isang oras pa lamang nang mangyari ang banggan, ay agad na tinupok ng apoy ang japan coastguard plane. Matatadaan kasi na naitala sa Japan sa unang araw ng enero ngayong taon ang 7.6 magnitude na lindol sa bahagi Ishikawa.
Samantala, ayon naman kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent din sa naturang bansa, sa 34 na taon na nitong naninirahan sa bansa ay ito na ang pangalawang pinakamalakas na lindol na kaniyang naransan.
Kaugnay nito at patuloy pa rin aniya ang kanilang nararanasang aftershocks sa bahagi ng Ishikawa at umabot na rin sa tinatayang 35,000 na kabahayan ang nawalan ng kuryente sa bansa.
Sa kasalukuyan naman ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbistigasyon sa nangyaring banggan sa sasakyang panghimpapawid, at tuloy-tuloy rin ang isinasagawa nilang monitoring sa mga affected areas ng lindol.