DAGUPAN CITY – Nababahala ngayon ang Ecowaste Coalition sa patuloy na pagtaas ng datos ng mga naitatalang napuputukan ngayong nalalapit na pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Ms Aileen Lucero, National Coordinator ng naturang ahensya, hindi kinakailangan na gumamit ng mga paputok na siyang makapipinsala sa mga kalusugan ng mga indibidwal dahil marami naman ang maaring magamit na alternatibong pampaingay.

Aniya, nasa tinatayang 96 na ang naitatalang firecracker incidents sa bansa, higit 5 naman sa mga napuputulan ng daliri at kamay, habang 12 naman ang naitala sa mga nakakain ng paputok, at may mga ilan na rin ang naitatalang nawalan ng pandinig.

--Ads--

Kaugnay nito, patuloy naman ang kanilang pagpa-paalala sa lokal na pamahalaan at ang hanay ng kapulisan na kinakailangan ng masusing pagbusisi sa mga nagbebenta ng paputok dahil aniya, maski sa mga sari-sari store ay maerami na rin ang nagbebenta ng mga paputok.

Dagdag pa rito ang isinasagawang monitoring ng mga kinauukulan na kung saan ay marami rin ang naitatalang mga vendors na nagtatago ng mga illegal na paputok kapag sa kasalukuyan ng inspeksyon ngunit inilalabas naman pagkaalis ng mga ito.

Nakikiusap naman ang kanilang ahensya sa publiko na huwag ng gumamit pa ng paputok at hangga’t maari ay piliin na l;amang ang paggamit ng alternatibong paingay sa pagsalubong ng bagong taon.