DAGUPAN CITY- Ipinaliwanag ng National Historical Commission of the Philippines ang pagiging bayani ni Jose Rizal.

Ayon kay Euphemio Agbayani III, Historical Sites Development Officer II ng naturang komisyon, maituturing na isang bayani si Rizal na dapat na gawing inspirasyon sa bansa, dahil na rin sa kaniyang ambag sa bayan gaya na lamang ng kaniyang pagsusulat ng tula at ang kaniyang pagkikuwento sa kasaysayan ng bansa, gaya na lamang ng kaniyang kilalalang libro na Noli Mi tangere at El Filibusterismo.

Dito ay mababasa rin ang pagiging isang mapag-kawang gawa ni Rizal, dahil nang ipinatapon ito sa dapitan sa loob ng 4 taon, ay hindi nito pinili ang magpakatengga bagkos ay nagpatayo ito ng eskuwelahan, klinika, at patubigan nang sa gayon ay makatulong at magamit ng mga residente sa lugar.

--Ads--

Dagdag pa rito, nilakad rin niya ang suliaranin sa lupa ng kaniyang pamilya sa Calamba at doon ay pinagtanggol nito ang karangalan at karapatan ng mga kababayan sa ibang bansa.

Binigyang diin din ni Agbayani na si Rizal ay isang maituturing na inspirasyon sa bansa at ang tanging hamon na lamang sa kasalukuyan ay kung ano nga ba ang maitutulong at magagawa ng bawa’t indibidwal ang kanilang tungkulin upang matulungan ang pag-unlad ng sariling bansa.