Dagupan City – Pinatunayan ni Marlon Tapales na mali ang tingin sa kaniya na ‘mismatch’ ito laban kay Naoya Inoue.
Ito ang ibinahagi ni Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, dahil aniya, isa sa naging reaction ng mga fan ng boxing sa naturang bansa ay aabot lamang si Tapales sa 4th round, ngunit naging taliwas ito sa ipinakitang tibay at husay ni Taples dahil sa umabot pa ito sa 10th round bago tuluyang mapatumba ng kaniyang kalaban.
Kaugnay nito, ayon naman kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent sa parehong bansa, kumpiyansa naman ang isang kilalang artista sa Japan na nagsabing 101% na mananalo ang kanilang pambato.
Matatandaan naman na nauna nang sinabi ni Inoue na kung walang 2000% na self-confidence ang lalabanan sa kaniya, ay hindi magiging exciting ang kanilang tunggalian.
Samantala, ito na ang pang 26th na laban ng undisputed winner na si Inoue, habang si Tapales naman ay ito na ang kaniyang ika-4 na pagkatalo sa kaniyang 41 kabuo-ang laban.