Ipinaliwanag ng isang political analyst ang konteksto sa likod ng naging pahayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barbers kaugnay sa pagtalakay sa economic amendments sa susunod na taon at ang pagrerepaso sa mga probisyon ng Konstitusyon.

Kung saan ang layunin ng pahayag na ito ni Barbers ay upang maibenta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan na pinaniniwalaang mas magpapabilis umano ng pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Atty. Francis Abril, sa ilalim ng konstitusyon, mayroon umanong 40% hanggang 60% na maximum ang pagpasok ng investments, dahilan kung bakit hindi maitodo ng bansa ang pamumuhunan.

--Ads--

Hindi aniya kinakailangang madaliin ang usaping ito kundi ang ipinupunto lamang aniya ni Congressman Barbers ay ang pangangailangang pag-usapan ang bagay na ito dahil lumalago naman ang mga negosyo at dumadami ang investors mula sa ibang bansa.

Maganda aniya itong mapag-usapan ng Mababang Kapulungan dahil upang mas lumago ang ekonomiya ng bansa, bigyan ng oportunidad ang mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa.

Bagamat wala pang inilalabas na partikular na probisyon, kung maaalala noong 2022, lumagda si dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging 100% foreign owned na ang mga Public Utility Vehicles (PUV), at ang mga kabilang sa public service gaya ng electricity distribution, petroleum, airlines, at maging ang railways.

Ito aniya ang pinangangambahan ni Congressman Barbers na baka atakihin na naman ng nationalist movements ang pirmadong batas na ito kaya’t mas maigi aniyang i-specify sa Konstitusyon kung ano ang mga bawal at alin ang hindi.

Ginawa ang konstitusyon na ito noong 1986 hanggang 1987, panahon kung kailan hindi pa umuusbong ang mga makabagong teknolohiya, dahilan kung bakit napapanahon na ring i-review ang konstitusyong ito.

Ang tanong na lamang aniya kaugnay dito, sapat na nga ba ang kakayahan ng mga Pilipino?

Bagamat hindi aniya minamaliit ang kakayanan ng mga Pilipino, kung pag-uusapan ang competency, knowledge, at mga kagamitan, hindi maikakailang mas advance ang ibang mga bansa.