Dagupan CityHindi maituturing na pagtaas ng ekonomiya ang isang bansa kung umaasa ito sa importasyon.


Ito ang binigyang diin ni Elmer Labog, Chairman ng Kilusang Mayo Uno. Aniya, hindi mapapaunlad ang sariling bansa kung ang ekonomiya ay sumasandal lamang sa ibang bansa imbis na sa sarili nitong bansa.


Binigyang diin nito na kinakailangan na matiyak at pagtuonan ng pansin ng pamahalaan na mapaunlad ang mga local na mangaggawa, at tutukan na lamang ang lokal na produksyon nang sa gayon ay mas mapalago pa ang ekonomiya.

--Ads--


Dagdag pa nito, mas maraming mga integrated system sana ang mabubuo, kung may sapat lamang na pondo ang pamahalaan na inilaan para sa mga ito. Dahil lumalabas aniya na ipinapakita ng pamahalaan na mas kompyansa sila sa kakayahan ng ibang manggagawa kaysa sa gawa ng sariling bansa.


Panawagan naman nito sa pamahlaan, bigyan ng masusing atensyon ang sektor ng agrikultura, poultry, at mangingisda, dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya.