Bombo Radyo Dagupan - Inasahang tatas pa ang datos ng unemployment rate sa bansa dahil sa epekto ng PUV modernization program.
Ayon kay Elmer Labog, Chairman ng Kilusang Mayo Uno, ito ay posible hangga't hindi binabawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Omnibus guideline bago sumapit ang nasabing deadline sa disyembre 31 ngayong taon.
Aniya, hindi lamang ang nasa tinatayang 140,000 na mga drivers at 60,000 na mga operator ang apektado rito, kundi pati na rin ang nasa higit 28.5Milyon na mga komyuter.
Kaugnay nito, sinabi ni Labog na kahit pa sabihin ng pamahalaan na bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho, ay hindi pa rin maganda ito kung ang pagbabasehan ay ang kalidad.
Dahil ayon dito, karamihang trabaho sa bansa ay nakabatay lamang sa informal at service sector o ang tinatawag na contractual employment kung kaya't walang kasiguraduhan kung hanggang kailan magtatagal ang trabaho ng mga ito.
Panawagan na lamang ni Labog sa pamahalaan, ikonsidera ang kapakanan ng mamamayan at mas makabubuting suspendihin na lamang ang nasabing panukala.