Bombo Radyo Dagupan – Kinakailangang pag aralan ng pamahalaan ang programa nito na tumututok sa Land Reform sa bansa.
Ito ang naging panawagan ni John Milton Lozande, Secretery General ng National Federation of Sugar Workers dahil ito aniya ang daan upang matiyak ang kapakanan at mabigyan ng sapat na suporta ang mga maliliit na magsasaka.
Binigyang diin ni Lozande na hindi solusyon ang importasyon sa kakulangan ng suplay sa bansa at kailangan na mabigyan ng kaukulang suporta at subsidiya ang mga magsasaka, partikular na ang mga maliliit ng magsasaka na may 95% mula sa 90-95% sa kabuoang 72,000 na mga sugar producers.
Sa katunayan aniya, marami na rin ang nagsarang mga lokal producers sa bansa, dahil na rin sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa mga ito, kung kaya’t pinipili na lamang nila na humanap ng ibang trabaho na siyang magiging daan upang maging sapat ang kanilang kinikita sa mga tumataas na bilihin.
Kaugnay nito, sinabi ni Lozande na sa kabila naman ng malakas na importasyon at sapat na suplay ng asukal sa bansa, ay hindi naman bumaba ang presyo nito sa merkado.
Samantala, kung ikukumpara naman ang presyo ng asukal noong nakaraang taon, ay mas bumababa ang presyo nito ngayong taon.