Nagpahayag ng kaniyang opinyon ang isang political analyst tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinasabing palitan ang estratehiya ng bansa sa paghawak sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, hindi naman aniya kinakailangang palitan ang kung anong polisiya at estratehiya ng bansa sa kasalukuyan kundi kailangan lamang aniyang madagdagan.

Gaya na lamang ng pagpapatuloy pa rin ng pagsasagawa ng diplomatic measures at mekanismo gayundin ang pakikipag-usap sa bureaucratic level sa pagitan ng mga bansa.

--Ads--

Ang inaasahan at hinihintay lamang aniya ng mga mamamayan ay ang pagkakaroon ng karagdagang aksyon at kilos ng pamahalaan at hindi ang pagpapalit ng polisiya.

Kabilang na rito ang pagdaragdag ng mga barko at mga coast guards at personnel na tatrabaho sa naturang lugar upang maprotektahan ang mga mangingisda maging ang mga shipping lanes.

Inaasahan din na mas mapapalakas ang Philippine Navy upang maging aktibo ang pagpapatrolya nila sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Yusingco na paborable naman ang pakikipag-alyansa nito sa mga bansa na mayroong kaparehong objective gaya ng Australia, Japan at South Korea kaya’t hindi rin aniya ito kinakailangang baguhin ng pamahalaan.

Kung mayroon mang kinakailangan baguhin, yun ay ang kapasidad ng Pilipinas na protektahan ang teritoryo nito.

Ito na aniya ang sinasabi ng pangulo na paradigm shift kung saan uubusan ng resources ang pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas ngunit kinakailangan pa ring isaalang-alang ang magiging reaksyon ng China dahil hindi naman natin intensyon ang maging kalaban ng kabilang panig.