Patuloy ang paalala ng Department of Health Region 1 sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok ngayong holiday season.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV sa Department of Health Region 1, napakadelikado ng paggamit ng paputok partikular na ang boga, dahil ito ang pangunahing sanhi sa mga naitatala ng blast and burn injury sa rehiyon.
Samantala, kung may maitala naman aniyang insidente ng paputok, ay mas makabubuting padaluyan ito sa malinis na tubig sa loob ng 15 minuto, takpan ng gaza, at pagkatapos ay dalhin sa pinakamalapit na ospital.
--Ads--
Gayunpaman, pinayuhan naman nito ang publiko na hangga’t maari ay iwasan ang paggamit ng paputok at gumamit nalang ng alternatibong paingay nang sa gayon ay ligtas na salubungin ang bagong taon.