Bombo Radyo Dagupan – Pinayuhan ng presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ang mga moderators na mag-consolidate na sa Public Utility Vehicle Modernization Program.


Ito ay alinsunod sa inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mananatili ang deadline sa Disyembre 31, 2023 para sa konsolidasyon ng public utility vehicle sa ilalim ng PUV Modernization Program.


Ayon kay Liberty De Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), sumunod na lamang sa nasabing batas at huwag nang magmatigas dahil kung hindi man aniya, ay mapang-iiwanan ang mga ito at sila rin ang magiging kawawa.

--Ads--


Kaugnay nito, sinabi niya na inaasahang sa susunod na taong 2024 ay nakatakdang maglalaan na ng budget ang pamahalaan para sa naturang batas, kung kaya’t walang dapat ikabahala ang mga moderators sa pag-sunod sa nasabing panukala dahil korporasyon at kooperatiba naman ang nakatakdang magbayad para rito.

Samantala, nasa tinatayang 70% naman na moderators na ang sumailalim sa modernisasyon nationwide na siyang suportado naman ng iba’t ibang organisasyon at samahan.

Mensahe naman ni De Luna sa mga moderators, bukas ang kanilang organisasyon sa anumang tulong o assistance na kinakailangan ng mga ito at iwasan ang magtanong sa mga ibang samahan dahil kadalasan ay mali ang naipaparating sa kanila na siyang nagdudulot ng hindi pagsunod.


Payo naman nito sa mga naglalayong gumawa ng sariling kooperatiba, wala ng oras para rito at makinig na lamang sa utos ng pamahalaan dahil para rin ito sa kanilang ikabubuti at proteksyon.