Ikinagagalit ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang panibagong insidente ng panggigipit ng Chinese law enforcers sa territorial water ng Pilipinas.

Kamakailan nang muling bombahin ng Chinese vessel ng water cannon ang mga maliliit na barko at bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng Ayungil Shoal.

Ayon kay Fernando Hicap, ang Chairperson ng nasabing samahan, isinalarawan nito bilang iresponsable at walang batayan ang pangha-harrass at panggigipit na ito ng China.

--Ads--

Ikinadidismaya rin nito ang kawalan ng konkretong aksyon at plano ang gobyerno kung paanong wawakasan ang harrassment na ito ng China sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas.

Para aniya sa kanilang hanay, hindi na pwede ang pagdedeklara lamang ng diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) at pagpapalakas ng presensya ng law enforcement agencies sa karagatan kundi ng kongkreto at kumprehensibong plano ng gobyerno ang kinakailangan upang masolusyunan ang problemang ito.

Hindi na aniya bastang panghaharrass lamang ang ginagawa ng gobyerno ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kundi talagang desidido na nitong sakupin ang pagmamay-ari ng ating bansa sapagkat tinanggal na nga ang inilagay na floating barriers sa Baho de Masinloc ngunit hindi parin sila tumitigil.

Dagdag nito na hindi umano nila suportado ang verbal na pakikipagkasundo ng Pilipinas sa gobyerno ng Estados Unidos at Japan bagkos ay mas pabor pa sa kanila ang mapayapang paraan gaya ng pagbalik sa United Nations upang talakayin ang dapat na sanksyon sa ginagawang hindi pagsunod ng China sa international law at arbitral ruling noong 2016.

Tinukoy din ni Hicap bilang malaking kasalanan ng dating administrasyong Duterte ang verbal na pagpayag nito na makapasok ang mga commercial fishing vessel ng China na siyang nagpalala at nagparami ng presensya ng mga militia at pananatili ng Chinese Coast Guard dahil maski ang dating pangulong Rodrigo Duterte ay hindi umano kinikilala ang arbitral ruling, dahilan kung bakit ito itinuturing na tila parang basurang papel lamang.