Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan upang matukoy ang mga nasa likod ng nangyaring pamamaril sa incumbent brgy captain sa brgy Poblacion, sa bayan ng Mangaldan na si Kapitana Melinda ‘Tonet’ Morillo.
Ayon kay PCAPT. Renan Dela Cruz, ang Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, nakatakda silang magsagawa ng special investigation task group Morillo alinsunod na rin sa deriktiba ni Provincial Director PCOL. Jeff Fanged.
Sa kanilang naging inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng kalsada sa brgy Tebag alas-10 ng gabi kagabi kung saan naganap ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.
Sa pinangyarihan ng insidente, narekober ang caliber 45 na firearms na ginamit sa pamamaril na maaari nilang magamit upang matukoy ang mga suspek.
Nagsasagawa na rin aniya sila ng backtracking sa mga CCTV footage maging sa crime scene.
Home Local News Pangasinan Police Provincial Office, magkakasa na ng Special Investigation Task Group upang...