BOMBO RADYO DAGUPAN – Labis ang naramdamang kasiyahan at pasasalamat ni Atty. Gwen Bagacina Kangleon-Besas nang maipasa niya ang First Take ng BAR Exam sa taong ito sapagkat hindi aniya naging biro ang mga pinagdaanan mula Lawschool hanggang sa araw ng pagsusulit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, ikinwento niyang sinubok siya ng tadhana sapagkat sa kaniyang huling taon sa Law School ay namayapa ang kaniyang asawa. Tila’y nasa pagdedesisyon na siyang hindi na lamang ituloy ang pagsabak sa Bar Exam ngunit laking pasasalamat niya sa mga patuloy na naniwala sa kaniya.
Pagdating naman umano ng mismong araw ng pagsusulit ay damang dama naman niya ang pagod mula pisikal hanggang sa sikolohikal gayunpaman ay hindi ito nagkaroon ng rason upang atrasan pa ito.
Sinabi din niyang karagdagang sa psychological pressure ang naramdaman niya dahil sa bagong set up ng Bar exam sapagkat ito ay nagpalit-palit ng schedule kung saan ay matapos ang unang araw ay kinakailangan aniya ng agarang paghahanda sa susunod na pagsusulit
Samantala, hindi ito ang naunang pangarap ni Atty. Kangleon-Besas sapagkat ang una niyang plano ay kumuha ng masteral degree sa tinahak niyang kursong Education. Ngunit dahil pangarap ito ng kaniyang magulang at hiniling sakaniyang kunin ito ay nakaramdam siya ng responsiblidad bilang isang anak. At sa taong 2019 nang magsimula siyang mag aral sa law school.
Kalaunan ay buong tinanggap na niya ang pangarap ng kaniyang ina bilang sarili niyang pangarap upang magsilbi itong motibasyon sa kaniyang pagpapatuloy.
Pinanghugutan naman niya ng kalakasan ang kaniyang ina at anak niya gayundin sa mga naging guro at kaklase sa unibersidad na todo din ang pagsuporta sakaniya.
Sinabi din niya na wala pa itong malinaw na plano pagkatapos ng kanilang Oath Taking sa December 22 ngunit bukas aniya siya sa iba’t ibang oportunidad na maaaring makapagbigay sakaniya ng kasanayan sa propesyong tinatahak.
Kaniya ding binati ang mga kapwa nakapasa sakanilang “unique journey” at nais din niyang ipaalaa sa mga hindi nakapasa na hindi pa oras para sumuko. Payo niya lamang na sapagkat naging epektibo ang pagsusulat sa kaniyang syllabus habang nagrereview at ginamit bilang last minute reviewer.