BOMBO RADYO DAGUPAN – Hindi na ikinagulat ng Alliance of Concerned Teachers Philippines ang mababang resulta ng Pilipinas sa pagbasa, matematika, at agham mula sa inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA).


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, ang chairperson ng nasabing alyansa, bago pa man magkapandemya ay palala na nang palala ang kalagayan ng edukasyon sa bansa dahil wala naman umanong ginagawang “game changing measure” ang dalawang magkasunod na administrasyon.


Hiling niya na buksan nito ang kamalayan ng gobyerno upang mapagbago ang polisiya at sistema pagdating sa edukasyon. Kabilang nalamang aniya dito ang pagdagdag ng budget sa edukasyon, at pagtaas ng salary at benepisyo ng mga guro. Gayun din umano ang pagkakaroon ng kurikulum na makayaban at makabansa.

--Ads--


Aniya, simula pa lang nang maupo ang Marcos-Duterte administration ay nagpaabot na sila ng maaaring gawin upang mapataas ang kalidad ng edukasyon ngunit giit niya na kalaban lamang ang naging tingin ng gobyerno sa mga organisasyon ng mga guro at hindi nakikitang kasama sa pagkakaroon ng polisiya sa bansa. Kaya naman ay hindi nagkakaroon ng komprehensibong pag uusap ang kanilang mga inilalapit.


Giit pa niya na dapat lamang mag doble ng pagsisikap ang gobyerno kung tunay silang seryoso sa krisis ng edukasyon ng bansa ngunit hindi naman nagiging signipikante ang ginagawa ng sekretarya ng Department of Education.


Naging abala pa ito umano sa mga usaping hindi napapakinabangan ng edukasyon tulad ng paglaan ng pera partikular na sa mgaa eskwelahang may mga kakulangan dahil sa pagsalanta ng kalamidad.


Dagdag pa niya na maaaring maging basehan ng bansa ang mga nangunguna sa ranggo katulad na lamang ng bansang Hongkong at Singapore sapagkat agaran din nilang tinutukan ang krisis ng edukasyon matapos ang pandemya.