Nagpahayag ng kaniyang opinyon ang isang constitutional lawyer tungkol sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng House Committee Level sa House Concurrent Resolutions para sa amnesty proclamations.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang Constitutional Lawyer, ang pag-apruba nito ay nangangahulugan ng pagsasawalang-sala ng lahat ng mga krimen na may koneksyon sa pagiging rebelde ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ang implikasyon lamang aniya nito na magiging malinis lahat ng mga dati at mga bagong krimeng naganap sa bansa at hindi sila mape-persecute at maaaring makulong.
Saad niya na ang nakikita lamang na problema ay walang nakikitang lider ng NPA kaya’t walang nagsisilbing spokesperson at tanging ang mga remnants o ang mga dating NPA rebels lamang ang nagsasalita.
Mungkahi nito na ito ang magandang pagkakataon upang magkaroon ng negosasyon sa mga ito at magkaroon ng peace talks at matuldukan na ang mahabang panahon ng rebelyon ngunit kinukwestyon ngayon ang pagsalungat ni Bise Presidente Sara Duterte sa naging pahayag na ito ni Pangulong Marcos.
Bilang kabilang sa Uniteam na kanilang isinusulong mula pa sa kanilang kampanya, mas maigi sanang makipag-usap muna si VP Sara sa Pangulo bago gumawa ng public statement na sinasalungan ang polisiya ni Pangulong Marcos.
Gayunpaman, wala aniyang kapangyarihan ang Bise Presidente kahit pa hindi siya pabor sa pahayag ng pangulo.
Kaugnay pa nito, ang pagsasagawa ng peace talks ay isa aniyang trabaho ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil kailangan nilang sugpuin ang internal at external forces.
Bagamat mahirap aniyang pigilan ang mga teroristang determinado sa gyera, maaari aniyang makamit ang hustisya sa pamamagitan ng pag-aalam sa kung sino ang mastermind.