BOMBO RADYO DAGUPAN – Inaasahan na ang mataas na lebel ng bansa para sa English Proficiency dahil kung base lamang sa konstitusyon, ito ay opisyal na linggwahe na ginagamit sa komersiyo, akademiya, negosyo, at maging gobyerno.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, Chairman ng Teacher Dignity Coalition, maliban sa mother tongue ay salitang ingles ang ginagamit simula pagkabata. Ito aniya ang nagpapatunay na malakas at mayaman ang kultura ng Pilipinas dahil sa pagiging multi-lingual at marami ang pagkakaiba-iba ng mga linggwahe sa loob ng bansa.


Ngunit aniya, hindi pa rin magiging basehan ang kahusayan sa salitang ingles upang masabi ang kahusayan sa edukasyon dahil maliban dito ay importante din ang mga asignaturang nagtataguyod sa critical thinking ng estudyante.

Katulad na lamang aniya ng ibang bansa kabilang ang Japan, na may maahusay na performance ngunit hindi naman kagalingan sa pagsasalita ng ingles.

--Ads--


Samantala, binanggit din ni Basas, hindi madaling matanggal o mapalitan ang mother tongue lalong lalo na sa edukasyon.


Aniya, naging mahabang diskusyon sa kongreso ang pagtanggal ng mother tongue bilang isa sa mga pangunahing asignatura sa Key Stage 1 o mula kinder hanggang ikatlong baitang. Ngunit patuloy pa rin ito na gagamitin sa pagtuturo dahil maliban sa naging kasanayan, mas mapapadali din ang pamamaraan ng pagtuturo.