BOMBO RADYO DAGUPAN – Kailangang magsumite ng kanilang magandang rason ang mga transport sektor patungkol sa kanilang pagsali sa pagkilos protesta kamakailan.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization, sinabi nito na kinakailangan daluhan ng mga ito ang nasabing hearing upang depensahan ang kanilang mga sarili para hindi aniya sila mawalan ng prangkisa base sa magiging desiyong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.


Aniya, pinaniniwalaan nilang taliwas ang consolidation para sa modernisasyon ng Public Utility Jeepneys (PUJ) at nagkakaroon ng sapilitang pangungutang.

--Ads--


Nasa batas na ito at magsisimula ang consolidation sa Disyembre 15 at magtatapos sa 31 ng parehong buwan.
Ani De Luna, gumagawa din ang gobyerno ng paraan upang makatulong sa mga operator at drayber ng bansa sa pagkakaroon ng makabagong sasakyan.


Kabilang dito ang subsidiyang makukuha sa pampubliko bangko na may halagang P280,000 at P265,000 naman sa pribado.
Inaayos na din aniya ng gobyerno ang ilalabas na budget para sa transport sector upang walang mapag iwanan na kooperatiba.


Samantala, magsisilbing substitute naman ng prangkisa ng mga korporasyon ang lalabas na bagong sasakyan sapagkat ito ay ang collateral.
Ngunit magkakaroon naman ng assesment upang malamang makakabayad ng kanilang prangkisa para magtuloy tuloy ang pangungutang sa bangko.


Babantayan naman ng Metropolitan Manila Development Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Land Transportation Office ang emmission testing upang masiguro ang mga sasakyan ay naaayon sa Philippine standard ng PUJ Modernizatin Program.