Nagpaabot ng pakikiramay ang Israel Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss sa pamilyang naiwan ng pinaslang na Overseas Filipino Worker sa Israel na si Angelyn Aguirre sa pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan kamakailan.

Ayon dito, makatatanggap ng ilang mga benepisyo ang naiwang pamilya ng biktima na katumbas ng benepisyong nakukuha ng isang Israeli citizen.

Kabilang na aniya rito ang ibibigay na monthly allowance para sa mga magulang at asawa ni Angelyn na manggagaling mismo sa Israel government.

--Ads--

Bukod dito ay magkakaroon din ng allowance para sa edukasyon at medikal na pangangailangan ng naiwang pamilya ng nasawing OFW.

TINIG NI ISRAEL AMBASSADOR ILAN FLUSS


Samantala, ayon nman kay Pangasinan Governor Ramon “Mon Mon” Guico III, biglaan ang naging pagbisita sa lalawigan ni Fluss dahil sa kahilingang ayaw na muna nilang idisclose ang patungkol sa naturang ulat.

Itinuturing kasi aniya nilang residente ng naturang bansa si Aguirre dahil sa ipinamalas nitong kabayanihan kung saan hindi nito iniwan ang kaniyang employer noong panahong sinalakay ang kanilang bomb shelter ng mga militanteng Hamas.

TINIG NI PANGASINAN GOVERNOR RAMON GUICO III