Panawagan ng PANGISDA Pilipinas na alisin na ang ipinataw na memorandum order na nagpapatigil sa paglalagay ng Vessel Monitoring Mechanism (VMM) sa commercial fishing boat.
Ayon kay Pablo Rosales, ang National Chairperson ng naturang ahensya, ipinaliwanag nito na kung hindi naman aniya papasok sa Municipal water ang mga mangingisda mula sa Commercial water ay hindi naman ito magiging problema.
Ang tanging layunin lang naman aniya ng paglalagay ng Vessel Monitoring Mechanism sa karagatan sa commercial fishing boat ay upang mamonitor ang mga ilegal na gawain ng mga ito sa pangingisda.
Dapat lamang na isaalang-alang ang batas na itinakda sa ilalim ng Republic Act 10654 o ang batas na nagpipigil at naghahadlang sa ilegal na pangingisda.
Paliwanag nito na nahahati sa dalawa ang karagatan na kinabibilangan ng commercial water na may tatlong components na small, medium at large kung saan ito ay para sa mangingisdang maaaring mangisda hanggang 3 gross stand above.
Samantalang ang Municipal water ay para sa mga maliliit na mga mangingisdang katulad ni Rosales.
Samantala ang implementor umano ng Vessel Monitoring Mechanism ay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kasama ang National Telecommunication Commission (NTC) upang ipakita na ilegal ang ginagawa ng mangingisda mula sa Commercial water dahil nilalabag nito ang karapatan na huwag sabihin kung saan sila nangingisda.
Ito ay pinaburan naman aniya ng regional trial court ng Malabon na siyang naging dahilan kung bakit nito pinahihinto ang pagpapatupad ng Vessel Monitoring Measures o ang gabay nito na Fisheries Administrative Order no. 266.
Kaugnay nito naglabas din aniya ng opinyon ang solicitor general na na nag-apruba sa desisyon ng Malabon Trial Court.
Pagkatapos aniya nito ay nagkaisa ang mga mangingisda na dalhin ang hinaing sa korte suprema at nito laman nakaraang Abril ay naglabas ng memorandum na ihinto pansamantala ang naturang mekanismo.
Dahil dito ay nagkakaroon ng malawakang petisyon sa hanay ng mga mangingisda mula sa municipal water.