Hindi umano inaasahan ng isang Nursing Graduate na mapapabilang ito sa Topnotchers ng Nursing Licensure Examination.

Ibinahagi ito ni Hazel Ronlee Salazar, tubong Urdaneta City sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.

--Ads--

Aniya wala umano siyang ibang nais kundi ang makapasa lamang kaya sobra itong natuwa nang makita ang resulta ng kaniyang naging pagsusulit.

Pagbabahagi ni Salazar,eksakto aniyang nagkaroon ng power interruption sa kanilang lugar noong araw na lumabas ang resulta kaya nalaman na lamang niya na siya ay nasa Top 8 sa pamamagitan ng kaniyang kaibigan.

Inakala pa niya umanong pina-prank lamang siya nito.

Agad naman niyang ibinalita sa kaniyang pamilya ito na kanilang ikinatuwa.

Dagdag pa nito na dumanas pa ito ng mental breakdown bago pa man lumabas ang resulta dahil marami rin aniyang naganap at naputol pa aniya ang kaniyang lapis habang nagsasagot sa test paper.

Ngunit ang tanging pinanghawakan na lamang nito ay ang pananalangin sa Panginoon.