Kasalukuyan pa ring tinutukoy ng mga awtoridad ang suspek sa likod ng pamamaril sa kalagitnaan ng prom party ng mga kabataan sa Jasper County, Texas na nagdulot ng pagkasugat ng siyam na katao.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr., kung susumain ay umaabot sa 250 na katao ang naroroon nang maganap ang krimen ngunit wala naman aniyang naitalang bilang ng pagkasawi.
Ito na umano ang pangalawang naitalang pamamaril sa lungsod at iniimbestigahan pa kung ano ang naging motibo sa pamamaril.
Ang mga sugatang biktima ay pawang nasa edad 15 hanggang 19 anyos na dinala sa pagamutan.
Kung matatandaan ay isa lamang ito sa ilan pang mga insidente ng pamamaril sa bansa at dagdag nito na ang kawalan ng istriktong implementasyon sa paghawak ng mga baril sa bansa ang isa sa dahilan ng krimen dahil maging ang mga kabataan ay nakakahawak nito.