Patay ang tatlong katao sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa mga bayan ng Bolinao at Agno kasabay ng pagsisimula ng paggunita ng Semana Santa 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt.Col. Radino Belly ang siyang Chief of Police ng Bolinao Police Station na naitala ang unang kaso ng pagkalunod sa isang resort sa Brgy. Patar sa kanilang bayan kung saan isang 9 taong gulang na lalaki ang biktima na residente ng Brgy. Pembo, Makati City.
Paglalahad nito na sa kanilang imbestigasyon naligo ang biktima kasama ang 2 iba pang menor de edad sa swimming pool sa nabanggit na barangay kung saan biglang umahon sa tubig ang 2 menor de edad ngunit iniwan ang biktima at lumubog ito.
Naidala pa ang biktima sa Rillera Medical Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.
Nagbigay naman aniya ng pinansyal na tulong ang npamunuan ng nasabing resort sa pamilya ng nasawing biktima
Samantala, isinaad naman nito na na ang pangalawang insidente aniya ng pagkalunod na kanilang naitala sa pagpasok ng Semana Santa 2023 ay naidatos sa isa ring resort sa barangay Patar kung saan nakilala ang biktima na si Rafael Pasion Licup na edad Rafael Pasion Licup at residente ng Brgy. Cuayan, Angeles City, Pampanga.
Aniya na ang biktima kasama ang kanyang dalawang pinsan ay tumungo sa isang resto bar upang maginuman at pagbalik sa kanilang resort ay naligo at lumangoy ang mga ito sa isang pool.
Umahon aniya ang dalawang kasamahan nito at naiwan ang biktima, inakala umano ng mga kasamahan nito na nagpapahinga na si Licup ngunit pagkaraan ang halos isang oras ay naiulat na may isang lalaking natagpuang palutang lutang sa naturang swimming pool.
Agad naman itong naisugod sa ospital ngunit ito rin ay naideklarang dead on arrival.
Kaugnay naman nito ay mas pinaigting anila ang pagpapaalala sa mga public at private resorts patungkol sa pagpapaigting ng kanilang mga panuntunan upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na pangyayari.
Habang ganito rin ang naging pahayag ni PCpl Rushlie I Gabriel ang siyang Duty Investigator ng Agno Police Station matapos na maitala ang pagkasawi ng isang 58 anyos na lalaki dahil sa pagkakalunod sa tubig dagat ng Sitio Masangret ng Brgy. Baruan sa bayan ng Agno.
Aniya na sakay ang biktima kasama ang siyam pa nitong kasamahan sa isang banana boat ng bigla aniyang lumubog ito
May suot naman aniyang life vests ang lahat ng sakay ng naturang banana boat ngunit sa kasamaang palad ay nalunod ang biktima.
Narespondehan naman ito ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at naisugod pa sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.
Pakiusap na lamang nito sa publiko na doblehin ang pagiingat upang mapanatili ang kaligtasan sa panahon ng Semana Santa 2023.