Umaasa ang mga mamamayan ng Italy sa tuluyang paggaling ni Pope Francis matapos itong isugod sa hospital sa Vatican.
Sa panayam mula kay Bombo International News Correspondent na si Elma Montali, ang naturang Santo Papa kasi ang inaasahan ng mga taong mangunguna sa paggunita ng Holy Week maging sa awayan ng Russia at Ukraine.
Si Pope Francis ay una ng na-diagnose na may respiratory infection, ayon sa Vatican Press Office.
--Ads--
Dinala siya sa Gemelli University Hospital sa Roma, kung saan kakailanganin niyang manatili ng ilang araw upang makatanggap ng angkop na medikal.
Sa kasalukuyan ani Montali ay stable na rin naman ang kalagayan ni Pope Francis ngunit patuloy na nakikiisa sa panalangin ang mga mamamayan sa mabilis na pagrekober nito.