Pagyakap sa modernisasyon.

Ito ang adbokasiya ng kandidata ng Dagupan City para sa Limgas na Dayat 2023 na si Ghelsy Reign Ravago.

Ibinahagi niya sa Bombo Radyo Dagupan na nais niyang mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayang nakatira sa mga farflung areas na maipakilala ang kanilang mga produkto gamit ang social media at matulungan ang mga estudyanteng kabilang sa mga mahihirap na pamilya na makapag-aral sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng oportunidad na magpart time job online.

--Ads--

Puspusan na rin ang ginagawa nitong paghahanda kung saan naglalaan siya ng tatlong beses kada isang linggo upang linangin ang kaniyang pisikal na pangangatawan sa gym.

Bukod pa rito ay inihahanda rin niya ang kanilang tinatawag na pasarela o ang pagrampa sa entablado gayundin ang kaniyang mentalidad bago sumabak sa kompetisyon.

Kasalukuyan din aniyang inaalam ang mga dapat na maipakitang ganda ng syudad ng Dagupan dahil marami aniyang mga lugar at pagkain mula rito ang maaaring maipagmalaki sa publiko.

Bagamat hindi umano mawawala ang kaba, hindi umano niya tinuturing na kumpetisyon laban sa iba pang mga kandidata ang naturang pageant kundi kumpetisyon laban sa kaniyang sarili.

TINIG NI GHELSY REIGN RAVAGO