Pinaghahandaan na ng Victory Liner sa Dagupan City ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang lugar sa darating na Semana Santa.

Ayon sa panayam mula kay Carlito Alcantara, ang siyang Victory Liner Terminal Master, ilan sa kanilang mga pinaghahandaan ay ang mga manpower, utility at unit na mga sasakyan na dapat umanong laging available sa pagganap ng kanilang trabaho upang maihatid ng maayos ang mga pasahero sa kani-kanilang lugar at pagdedeploy ng maraming mga ticket seller, customer service at mga guard para sa kaligtasan ng mga komyuters.

Nasa humigit kumulang Sampung libo umano ang inaasahang dadagsa ngayong taon dahil madami na ang nakakalabas sapagkat Hindi na masyado istrikto ang ating gobyerno sa pagpapatupad ng mga safety protocols.

--Ads--

Paalala naman ni Alcantara sa mga bibiyahe na laging pahabain ang kanilang pasensya, magbaon ng pagkain at tubig at siguruhing lagi nilang hawak ang kanilang mga importanteng kagamitan gaya na lamang ng cellphone.

TINIG NI CARLITO ALCANTARA


Kaugnay nito ay marami naman sa mga komyuters ang nagkaroon ng mga karanasan at nagbigay ng payo sa mga katulad nilang komyuters na babyahe sa darating na semana Santa.

Saad ni Jericson Macatiag na natural sa mga ganitong okasyon ang punuan sa mga bus kung kaya’t madalas itong mapilitang mag-standing position para lamang makausad na sa biyahe.

Gayundin sa naging pahayag ni Angelita Baloto at Rolando Socro, kapwa senior citizen na nanawagang bigyang prayoridad naman ang mga senior citizens kung saan pahintulutan ang mga itong hindi na makipila sa pagkuha ng ticket.